Tuesday, November 15, 2016

.."REAKSYON SA PLAGIARISM AT COPYRIGHT


    REAKSYON SA PLAGIARISM AT COPYRIGHT


               Ang pangunguha o pagnanakaw ay maling gawain.Sapagkat ito’y isang masamang pang- uugali ng isang tao at ito’y isang kasalanan.Ang pangunguha o pagnanakaw ay kasuklam-suklam sa paningin ng ibang tao .Ang gawaing pagnanakaw ay sumisira sa dignidad at katayuan ng isang tao at ito’y nagdudulot  ng kapahamakan sa sarili at maging sa iba.

              Ang pangunguha o pagnanakaw ay hindi mabuti gaya ng plagiarism na kung saan ito ay ang pangongopya o pagnanakaw sa ideya o salita ng iba at pagkatapos ay aangkin ito. Sa ibang sabi,pagkuha sa salita o ideya ng walang pagkilala man lang na ginawa tungkol sa pinagkunan ng salita o ideyang ginamit.Ang plagiarism ay maaaring mangyari sa iskwelahan,trabaho at maging sa internet.Ito ay nangyayari araw-araw at maging saan. Ang pangopngopyang ito o pagnanakaw ay may kaukulang parusa  sa batas sapagkat ito ay illegal na gawain. Kung matuklasan ng orihinal na manunulat na kinopya ng iba ang kanyang mga ideya at mga salita, maari niyang kasuhan ang nangyopya sa ilalim ng “intellectual property rights”.  Nagdudulot ng kapahamakan sa sarili at kawalan ng paggalang o respeto sa iba. Hindi lang simpleng dishonesty ang pangongopya,maramimg bagay ang naaapektuhan nito hindi lang ang sarili kundi ang lipunang ating ginagalawan.

             Ang pangongopya o pagnanakaw ay hindi mabuting gawain gaya rin  ng copyright na kung saan ito’y isang form ng proteksyong ibinigay para sa mga orihinal na gawa ng paglikha.Literal na ngangahulugan ang “copyright” na ang karapatang kumopya,ngunit naging ang kahulugan ay ang kabuuan na iyon ng eksklusibong mga karapatang ibigay ng batas sa mga may ari ng copyright para sa proteksyon ng kanilang likha.Ito’y isang uri rin ng pangongopya sa iba o pagnanakaw sa iba. Ang copyright ay huwag din natin gawin sapagkat ito rin ay isang gawaing nakaapekto sa ating buhay.  

            Ang mga ito ay maling gawain sapagkat ito’y insulto o walang paggalang sa gumawa ng mga akdang. Ito rin ay isang pandaraya sa ibang taong makakabasa naakala nila ito’y  isinulat  na galing sa iyong sarili  kaalaman ngunit mali pala sapagkat ito’y kinopya o sa madaling sabi ito’y kinuha mo sa iba.Hindi ito magandang gawain sapagkat ito’y nakakasira ng integridad at dignidad.Ang mga gawaing ito ay magdudulot ng kapahamak.Maaaring ikaw palang ay isang estudyante,sa gawaing ito maaaring ikaw ay mapahamak,gaya na lang kung natuklasan ng iyong guro ang ginawang pangongopya sa iba at siya ay nagalit.Ang iyong guro ,maaari ka niyang hindi papasukin ng isang linggo dili naman ay I drop kaniya o maaaring ang guro ay maaari ng ibagsak ang estudyanteng gumawa nito dahil sa ginawang  pandaraya. Sa propesyunal na buhay maaari ring mangyari ito,kung natuklasan gumawa ng pangongopya o pandaraya sa iba maaari mawalan ng trabaho ang isang tao dahil sa kanyang ginawa.Ang pangongopya o pandaraya ay di maganda dahil maaaring may masagasang  tao o mapahamak na iba dahil sa ginawa.Ang gawaing ito ay nakakasira ng buhay sapagkat kung ginawa ang ganitong gawain ipinapahamak ang sarili. Sa gawing ito hindi malayo magiging kaakit- akit  sa kanya ang gumawa ng kurapsyon.Ang maling gawain ay kapahamakan sapagkat dahil sa ginagawa mo nakakagawa ka nang di dapat sapagkat di minsan nakakagawa o nagsisinungaling dahil sa ginawa na gusto pang itago  kahit ito’y kitang-kita na.Nagagawang magsinungaling para lang maitago ang kamalian sa iba.Nagsisinungaling kahit ito’y mali na sapagkat gusto parin ipaglaban ang kagustuhan niya kahit ito’y mali sa paningin ng iba at dahil sa ginawa marami ng nasaktan at napahamak dahil sa gawain.Ang gawaing ito ay kasuklam –suklam sapagkat sarili na lang ang iniisip at di na napansin kung ano ang epekto sa ibang tao ang kanyang ginawa.Nagiging daan pa ito ng pagiging manhid at pagkawala ng konsensya sa iba.

             Ang pangongopya ay di magandang ugali ng tao sapagkat sa ginawang pangongopya nagkakasala ang isang tao. Ang pangongopya o pangunguha ng mga akdang  hindi sa kanya ay daan ng katamaran ng isang tao na mag isip ng mabuti.Hindi magagawa ng isang tao ang mangopya o manguha ng di sa kanya kung wala sa isipan niya ang katamaran.Nagagawa lamang ng isang tao ang mga ito dahil sa kanyang katamaran na gusto niyang ipasa na lang sa iba,sa kakayahan ng iba na meron naman sa kanya.Ang pangongopya sa iba ay mali gawi dahil gusto mo na lang umasa sa iba o patulong sa iba na kaya mo naman.Kung pangongopya na lang ang ginagawa paano matuto ang isang tao na gumawa ng sarili niyang akda.Dahil sa pangongopya o pangunguha na ipinapakita sa iba nagkakasala ka sapagkat  tinuturuan mong gawin nila rin ang ginagawa mo.Pangongopya o pangunguha ay nakakasira ng kinabukasan sapagkat sa ginawa madudungisan ang pagkatao at maaari ring sa ginawang ito lalayuan ka ng iba dahil a ginawa mo.Maaaring sa ginawang pangongopya o pangunguha ng datos galing sa iba hindi lang ikaw ang mapahamak kundi maging ang pamilya.Sa ginawang ito ang moral ng tao ay madudungisan dahil sa kaasalang ginawa niya na natunghayan ng ibang tao at dahil sa ginawang  pangongopya o pangunguha ng akda ng iba  masisira ang riputasyon bilang isang mamamayan.Dahil sa maling ginawa , mawawalan sila ng paggalang sayo at respeto.Maaaring mag-udyok na lumayo sila at ayaw ng makisama.Sa maling pagkilos na alam mong tama minsan maraming mawawala sapagkat di pa muna pinag –isipan bago gawin .Edi sana kung pinag –isipan muna at plinano ang dapat isipin at gawin edi sana walang mangyayaring masama.

            Ang maling gawi ay layuan ng di mapahamak ang iba at makaiwas pa sa kasalanan.Ang pangongopya o pangunguha ng ibang gawa ay mali sapagkat ito’y may patawa na kaparusahan.Huwag ng gawin ang alam o akala ng mali ng makaiwas sa kapahamakan.Huwag isiksik sa isipan ang maling kilos bagkus ang dapat isiksik sa isipan ay tama.Gawin ang tama at huwag ng gawin ang mali.Umasa sa sariling kakayahan at magtiwala sarili. Huwag ng gawing ang pangongopya sapagkat kung ginawa mo ito ay parang ipinapakita mo o ipinapaalam mo na hindi ka niniwala sa kakayahang ibinigay sayo.Isa isip na ang pangongopya o pangunguha sa gawa ng iba ay mali at di magandang gawain. Iwasan ang maling gawi na nakadudulot ng kapahamak at sala.Iwasan ang mga ito ng sa ganun umunlad an gating bansa at ng makatulong tayo sa iba gamit ang sariling kakayahan ng ipinagkaloob ng Maykapal.Gumawa ng mabuti at iwasan ang mali.
   






11 comments:

  1. pakiayos na lang po next time nung color nung font, but overall maganda naman po.

    ReplyDelete
  2. Nakakahilo po yung color ng font ansakit pi sa mata pero maganda po yung message na ginawa nyo suggest ko pang po na sana palitan ng mas light color yung font at background

    ReplyDelete
  3. Ang masasabi ko lang sa tekstong ito ay mataas ang pagpapaliwanag ngunit iisa lang ang ibig sabihin kumbaga nag pa ulit ulit lamang ang mga pagpapaliwanag .Ang mashadong colorful o di kayay maliwanag mashado na nagdudulot sa mambabasa ng pagkalito at pagkahilo sa pagbasa nito. maganda sana kung black or while lang ang ginamit na font mas pormal .

    ReplyDelete
  4. Palitan niyo po yung color but overall, ang ganda ng mensahe:)

    ReplyDelete
  5. Maganda ang mensahe, ayos lang kahit masakit sa mata ang color ng letters.😇

    ReplyDelete
  6. 1xbet korean - legalbet.co.kr
    1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet india 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean. 1xbet korean.

    ReplyDelete